Mahapdi ang mga luhang dumadaloy sa 'yong mga pisngiDulot ng malubhang galit at pighatiHapdi sa dibdib na dulot ng isang kataksilanNg isang taksil at walang pusong kababayan.Lumisan ka't tumungo sa ibayong bansaPuno ng pangako, sakit ng dibdib at mga ala-alaKagyat na sinunggaban ang unang pagkakataonAt kumayod ng todo, di alintana ang mga lumipas na mga taonSa isang Nursing Home ika'y namasukan na isang tagapag-alagaNg mga may kapansanang mga lolo at lolaIsa kang amang naghahanap-buhay ng puro pang-gabiDahil ang asawa'y sa araw naman siya naghahanap-buhay palagiMasayang lumipas ang mga araw, buwan at taonNagpundar ka ng husto kahit na sa utang ay nabaonHindi ka pa rin sumoko at sa pamilya ka palaging nakatuonHandang igapang at itaguyod habang may pagkakataonDatapwa't isang araw ika'y biglang nalumbayAt ang kaba sa umaga ay walang humpayDahil ang taksil sa kababayan ika'y pinagkanuloSa salang walang katuturan at hindi naman totooAng taksil na kababaya'y ginamit ang propesyon at puwestoUpang ilupig ang dangal mo at siya baga'y ma-promote pang laloDahil ang kapirasong patikim sa kanya'y gusto pa ng abusokapalit nito'y hanapbuhay mo't dangal na ipinagkanuloTumindig ka kababayan at ipaglaban ng tahasanDahil ang nakasalalay ay ang iyong kinabukasanDalawang supling na sa 'yo'y umaasa ng lubusanKamtin ang tagumpay laban sa taksil na kababayan!This poem was writen for a friend who was wrongly accused of something he did not do. His boss who is a fellow filipino and a Registered General Nurse reported him to their manager who quickly believed the report. The incident happened when my friend's family and my family was in the middle of our holidays in Italy in the summer of 2008. Upon our arrival back to Liverpool, and after some investigations, my friend's job contact was terminated by his employer.
Manny
6 September 2008