Sunday, 19 October 2008

ALAY SA MANGAGAWA SA IBAYONG BANSA

Mahapdi ang mga luhang dumadaloy sa 'yong mga pisngi
Dulot ng malubhang galit at pighati
Hapdi sa dibdib na dulot ng isang kataksilan
Ng isang taksil at walang pusong kababayan.

Lumisan ka't tumungo sa ibayong bansa
Puno ng pangako, sakit ng dibdib at mga ala-ala
Kagyat na sinunggaban ang unang pagkakataon
At kumayod ng todo, di alintana ang mga lumipas na mga taon

Sa isang Nursing Home ika'y namasukan na isang tagapag-alaga
Ng mga may kapansanang mga lolo at lola
Isa kang amang naghahanap-buhay ng puro pang-gabi
Dahil ang asawa'y sa araw naman siya naghahanap-buhay palagi

Masayang lumipas ang mga araw, buwan at taon
Nagpundar ka ng husto kahit na sa utang ay nabaon
Hindi ka pa rin sumoko at sa pamilya ka palaging nakatuon
Handang igapang at itaguyod habang may pagkakataon

Datapwa't isang araw ika'y biglang nalumbay
At ang kaba sa umaga ay walang humpay
Dahil ang taksil sa kababayan ika'y pinagkanulo
Sa salang walang katuturan at hindi naman totoo

Ang taksil na kababaya'y ginamit ang propesyon at puwesto
Upang ilupig ang dangal mo at siya baga'y ma-promote pang lalo
Dahil ang kapirasong patikim sa kanya'y gusto pa ng abuso
kapalit nito'y hanapbuhay mo't dangal na ipinagkanulo

Tumindig ka kababayan at ipaglaban ng tahasan
Dahil ang nakasalalay ay ang iyong kinabukasan
Dalawang supling na sa 'yo'y umaasa ng lubusan
Kamtin ang tagumpay laban sa taksil na kababayan!


This poem was writen for a friend who was wrongly accused of something he did not do. His boss who is a fellow filipino and a Registered General Nurse reported him to their manager who quickly believed the report. The incident happened when my friend's family and my family was in the middle of our holidays in Italy in the summer of 2008. Upon our arrival back to Liverpool, and after some investigations, my friend's job contact was terminated by his employer.


Manny
6 September 2008

No comments: